Salamat kay Ninang Kleyr (a.k.a. B1) para sa kick-ass sippy cup na ito. Actually, hindi pala sippy cup ang tawag dito. Ito raw ay magic sportster bottle. Taray lang ng Avent para sa mga ganito ka-astig na mga produkto. Hindi raw tutulo ang milk o kahit ano pang laman  ng bote hangga't hindi sinisipsip ng baby. Dahil diyan, hindi na uulan ng gatas sa aming kama, sofa, crib, at kung saan man inabutan ng gutom si Potling at nag-trip na mag-basbas ng gatas sa paligid.

Thank you Ninang Kleyr.

P.S. Mas maganda sa picture dito ang bigay ni Kleyr. Hot Pink ang katawan ng bottle at apple green ang cover at handle.
Picture
 
Binalak kong gawin ito mula pa noong binyag ni Potling pero isang bundok na ang backlog. Good luck naman.

Mula ngayon ay mas sisinupin ko na ang pag-chronicle ng mga regalo kay Potling. For her first birthday, binigay ng kanyang Ninong Kiko. Para raw maging matalino. Ang mahirap na tanong ni Ninong, pano raw kung si Potling ay maganda lang pero hindi matalino at ginagawang lipstick ang lapis? Tipong Paris Hilton. Tuwing maghahain ako ng pagkain, ang reaksyon ay "that's hot!" Diyoskopo. Knock on wood.

If the muses are listening... please please please... give Potling the gift of love for books.
Picture
Sophie's World